Monday, June 15, 2009

Blasts from the past still ring true in the present

Some people contend that the Philippines has declared independence not just once but six times dating from Bonifacio in 1895 up to Roxas in 1946. It is actually more if we add to that the freedom regained from the people power revolt in 1986. But what do we have to show for it?

Ang sambayanan ay hindi pa rin malaya sa kahirapan. Binanggit ni Pat Sto. Tomas sa kanyang onlayn kolum ang pagkapanalo ng maikling pelikulang "Chicken a la Carte" sa isang kompetisyon. Bagama't sa simula pa lamang ng pelikula ay tila alam ko na ang direksyon ng pelikula ay hindi ko pa rin mapigilang maantig ng pinupunto ng direktor.

Nagkataon din na isang araw matapos ang pagdiriwang ng araw ng kalayaan ay nagkita-kita muli kami ng ilang kamg-aral mula sa mababang paaralan. Nakalulungkot isipin na sa kabila ng ilang dekadang hindi pagkikita, ang mga kaganapan na bumabalot sa bansa ay katulad pa rin ng dati. Kaya naman may kabuluhan pa rin ang mga awit na unang narinig hindi matagal makaraan ang aming pagtatapos.

Kaya narito ang pelikulang nabanggit ni Pat Sto. Tomas at narito rin ang dalawang awit mula sa Banyuhay. Patunay ito na hindi pa tayo umuusad at malayo pa ang ating gagapangin kung hindi tatyo tatayo ngayon.




Oy Utol, Buto't Balat Ka Na'y Natutulog Ka Pa 
masdan niyo ang inyong paligid
akala mo'y walang ligalig
may saya at mayroong awit
ngunit may namimilipit
at siya'y humihibik

masdan niyo ang ating buhay
masdan niyo ang kapalaran
bakit may nahihirapan
bakit may sumisigaw

kay hirap ng tumawa kung hungkag ang iyong tiyan
kay hirap ng mangusap kung bibig moy may tapal
kay hirap ng mabuhay kung kalagaya'y ganyan
kay hirap ng lumaban kung takot ka sa kalaban

ay-yay-yay

walang tutulong
walang tutulong sa atin
walang pag-asa kundi ikaw at ako rin
at kung tayo'y mananahimik at di kikilos
ang dapat sa atin ay tawaging mga gago

bakit may nahihirapan
bakit may sumisigaw
bakit may namamalipit
bakit may humihibik
maging ako'y nahihirapan
kaya ako'y sumisigaw, sumisigaw

Buhay Pinoy
Nang ako ay isilang
At nagdilat na ang mga mata
Ako'y agad sinalubong
Ng mga problema

Kahit saan araw-araw
Kung ang mundo'y pagmamasdan
Punong-puno ng mga tao
Lagi na lang may kaguluhan

Ay kayraming mga tao
Sumasakit ang ulo ko

Tignan n'yo sa bangketa
Pulubi ay naghilera
Mga kamay laging nakasahod
Doon sila natutulog

Ako'y mayroong kaibigan
Siya ay hindi nakapag-aral
At dahil sa kanyang kahirapan
Siya'y napilitang magnakaw

Ay kayraming mga tao
[Nagsisikip/Punong-puno] na ang mundo
Problema'y dumadami
Sana'y isipin n'yo

Ganyan ba talaga
Ang buhay ng pinoy
Ganyan ba talaga
Tayo sa habang panahon

Kayraming mga pamilya
Anak nila'y sobra-sobra
Wala namang maipalamon
Kahit kumayod maghapon

Sa umaga pagkagising
Wala palang makakain
Asawa ay kanyang aawayin
Mga anak sisisihin

Tignan n'yo ang mga pamilya
Sa umaga pagkagising
Wala palang makakain
Asawa ay kanyang aawayin
Mga anak sisisihin

Ay kayraming mga tao
[Nagsisikip/Punong-puno] na ang mundo
Problema'y dumadami
Sana'y isipin n'yo

Mayroon pang pag-asa
Isipin n'yo, isipin n'yo

No comments:

Post a Comment